Photo by Adam Wilson on Unsplash

Araw-araw kong itinawid ang sarili mula sa hulaw. Nanuyo na ang bibig ko at gumaspang na rin ang pakiramdam ko sa aking lalamunan. Ginawa ko na ang lahat.

Pitong bowan ko nang ipinagdarasal ang ulan sa Kalawitan, kung saan sabay akong tumangis at umindak. Isinuko ko na rin ang huli kong alingo. Marahil ay nakalimutan nang tumungo ni Lumauig; marahil ay mali ang pagkakakilala natin sa kanya.

Nilamon na ng liwanag ang kapatagan. At kumakatok na ang mga poraw sa nasusunog naming ato.

Kung hindi man ako makabalik mula sa gabi ng layaw, malaman mo sana’ng araw-araw kong sinubukan.

--

--