Sa Pag-ibig, Pag-asa at Pananampalataya

O sa Iba Pang Túngo ng Paghahanap at Pagbagtas

Mharvin Oyao
2 min readApr 2, 2021

Hindi ka madaling matagpuan sa araw-araw.

Sinubukan kitang hanapin sa ibat-ibang estranghero ngunit parati lamang akong nabibigo. Ang init mo ay dama sa alaala. Gaya ng pinagsaluhang hapunan at kumot sa malamig na gabi; kailanman ay hindi natumbasan.

Salungat sa iyong pagdating, ang pag-alis mo ay inaasahan.

Marahil ay hindi ka nananatili dahil maraming nangangailangan sa iyo. Kung paanong ikaw ang hindi nagpapahinga ngunit ako ang napapagod ay ang siyang nagsisilbing buod nitong misteryo.

Minsan na kitang natagpuan.

Ngunit sa pagdating ng panahong nanaig ang distansya ay lalong umigting itong pangungulila. Noon ko lamang nabatid na hindi ang haplos mo ang makapagpapatahan. Hindi ang yakap mo ang makapagpaparamdam ng kaligtasan.

Hindi.

Hindi ka madaling matagpuan sa araw-araw. Ang distansyang naghihiwalay sa ating dalawa ay hindi kailanman mawawala bagkus ay mapupunan. At tanging hiraya mo ang maituturing na pagpapala.

Tungkol sa Larawan

Kuha sa Oslob, Philippines

“In rural Philippines, one of the main ways families earn their living is selling lato, popularly know in the anglosphere as sea grapes, that grow in intertidal zones, inaccessible at high tide but easily walkable in low tide. The warm pinkish glow of the Cebuano sunset serves as the backdrop of an important milestone in two young boys’ lives. Their father is teaching them how to harvest this South-East Asian delicacy to sell to the town market. In a place where the luxury and comfort of the modern urban lifestyle is not common, these boys take their first steps into a life of hard and honest work.”

— Noah Dominic Silvio

Magrehistro para bumoto sa #Halalan2022

--

--